Thursday, March 28, 2013

Daming Angal

Ang inet sa pilipinas tang ina. Tang inang global warming yan eh no? Tang ina kasi kung mura lang ang kuryente sa pilipinas siguro lahat ng tao naka aircon na ngayon. Kung binuksan lang siguro yung Nuclear Plant ni Marcos edi sana di na tayo gumagamit ng diesel para sa kuryente. Gastos lang yun eh, dagdag polusyon at tulong lang sa paglala ng global warming yan eh. Well, pati rin naman ang Nuclear Plant pero at least diba? Mumura ang kuryente. So kung tutuusin, kasalanan ng gobyerno kung bat mainit sa pilipinas.

Isipin niyo nalang kung mura ang kuryente, lahat ng gastusin bababa. Una na dyan magmumura ang diesel kahit papano, dahil sa mas malaki na ang mailalaan na reserves para sa consumption kesa sa kuryente. So magmumura ang pamasahe at transportation. Pangalawa, bababa ang monthly fees, mas maraming tao ang makakapagbayad ng kuryente, mas liliwanag ang buhay. Pangatlo, kayo na mag isip nito, tutal mura narin naman ang kuryente, okay lang kahit abutin pa kayo ng tatlong linggong nakatapat sa computer. Di niyo na kailangang mag alala na baka tumaas ang bill sa kuryente kasi nga nagmura na.

So ano, natatakot kayo na baka sumabog yung Nuclear plant? So ano? Hahayaan ba naman ng gobyerno na mangyari yun? Ngayon ngang di ginagamit eh inaalagaan nila tapos kung kelan gagamitin dun nila pababayaan? Oo naman, basta kumita. Kung san may pera dun punta. Matagal na daw na usapin ang RH bill, at may point naman yung MAPEH teacher namin nung 4th year na ang RH bill ay sex education, na syang tinuturo na sa mga eskwelahan dati palang. Medyo nabobobo daw sya kung bakit ba masyadong pinapahaba ang usapan eh kung tutuusin eh matagal na syang tinuturo sa mga eskwelahan. Siguro dahil nga sa pamimigay ng condoms o kung ano man na pag gagamitan ng tax na syang kinikita ng tao. Pero isipin niyo nalang, ano bang mas magandang puntahan ng pera niyo, sa bulsa ng corrupt na opisyal ng gobyernong isasalaksak lang sa panty ng showgirl sa isang VIP na bar yung tig-bebente niyo o sa bayag ng kating-kati na jeepney driver na may limang anak at ayaw nang magkaroon pa ng iba?

Nasa sari sariling pananaw na natin yan kung ano ba sa tingin natin ang mas masarap pakinggan. Ano bang mas magandang gawin, bumoto ng artista o bumoto ng corrupt na kandidato na babayaran ka ng limangdaan, isulat mo lang pangalan nya sa papel? Syempre dun ka na sa may lagay. Isipin niyo nalang, kung lahat ng pilipino ganto mag isip, edi sana lahat tayo may limang daan na, tapos yung kandidato namulubi pa. Tapos may isang ungas na dadating na sasabihin binayaran lang niya ang mga botante nya, at gagawa sya ng "I am Sorry" announcement sa nationwide television kung kelan patay na yung kalaban nya. Tapos tatagal pa ng ilang taon, yung syang mga bumoto sa kanya papabakuran nya yung mga tahanan para kung sakaling may dumating na presidente galing sa isang prominenteng bansa, wala syang makikita kundi mga nakakabobong mural na gawa ng mga grade six students sa isang patapon na public school na kulang kulang ang upuan at naghahati ang sampung estudyante sa isang libro.

Dami kong angal wala naman akong alam sa mga nangyayari. Masisisi niyo ba ako? Pinoy ako eh, malamang marami akong angal sa buhay. Tang ina pagbukas ko palang ng tv balita si Kris Aquino sinaktan daw ni James Yap, samantalang may isang estudyanteng nagpakamatay sa UP dahil di nya mabayaran yung tuition nya. Mabuhay pilipinas! Mabuhay ang pinoy! Kung pwede lang akong lumipat sa ibang bansa eh, ginawa ko na. At least pag nandun ako tingin sakin ng karamihan mayaman at bayani pa ang turin sakin!

No comments:

Post a Comment