Nung bata ako pangarap kong maging pulis, kasi sila ang mga taong gumagawa ng mabuti. Sila ang modelo ng batas at hustisya, at naka blue uniform sila with matching baril pa, badass. Nung tumagal dun ko lang natutunan na di pala ganun ang sistema ng mundo. Di porket favorite color ko ay blue eh yung trabahong blue ang uniform na ang dapat kunin ko, at di rin porket modelo ka na ng kahit ano, mapa bastos o sagrado pa man yan, eh totoo ka na sa panata mo. Madalas pa na ang mga pulis ang nasasangkot sa krimen, at nitong huli lang napanood ko sa balita na may pulis na nangholdap at nagnakaw ng FX. Yan ba talaga ang pinangarap ko nung bata pa ko? Maging holdaper na nakasoot ng blue uniform?
Ginusto ko rin maging doktor dati kasi sila yung gumagamot sa mga may sakit at sumasagip ng buhay. Para silang magician na pag may taong patay na, kaya nilang buhayin. Naisip ko na di lang pala basta basta ganun ang trabaho nila. Akala ko basta alam mo kung anong ginagawa mo, eh tama na yung ginagawa mo. Tahi tahi lang, painom ng gamot, pa kurye-kuryente lang para mabuhay ulit, akala ko ganun lang dati yun, di ko inisip yung side ng doktor, na yung buhay ng pasyente nya nasa kamay nya. Anytime pwede nya nalang sabihin na patay na yung pasyente nya and babayaran parin siya. Sadly, ganun nga talaga ang nangyayari sa bansa natin ngayon. Ang lungkot lang isipin na kaya man nilang sagipin yung tao, kung wala namang sapat na kabayaran eh di nila gagawin. Equivalent trade nga naman kumbaga. Di sila nag-aral ng sampung taon para magbigay ng serbisyo ng libre.
Nung panahon na para pumili ng course natanga ako. IT lang at gaming ang gusto kong kunin, pero di ko rin masasabi kung magugustuhan ko nga ba talaga. Sa panahon natin ngayon parang new-age nursing ang IT eh, lahat IT gusto, lahat gusto nakatapat lang sa computer. Nakinig nalang ako sa kuya ko at nanay ko, nag MMA ako, malas ko lang new-age na, at MMA na ang pumalit sa IT at nursing. Tang ina lang.
Di rin naman ako nagtagal, tumigil ako sa MMA kasi di ko na kinaya yung mga problema na kalakip ng pagpasok sa malayo at mahal na school. Ngayon tambay nalang ako. Nakatanga sa bahay, pa compu-computer nalang...
Di ko masabi kung ano ba talagang gusto kong marating sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment