Wednesday, March 27, 2013

Katamaran #1

Ang blog na ito ay maglalaman ng mga bagay bagay na bakasakaling maging sanhi ng ligaya para sainyo, aking mga munting mambabasa, pero tang ina, masyadong pormal naman ang panimula ko, so medyo simplehan natin ng konti. Ako nga pala si Ranny Reyes, sa kasalukuyan nagtatago ako sa alyas na 3idolon, dahil wala lang, gusto ko lang. Yung iba nga dyan Bh3qu0_31x-Mh@lD33tAz so walang pakielamanan. Magkaliwanan na tayo ngayon palang, bago mo sabihing nagfifeeling sikat o feeling Bob Ong ako, tang ina, tanungin mo muna sarili mo kung may iba ka pang kilalang pinoy na writer ha, di lang si Bob Ong ang writer sa pilipinas. Di ko nga rin pala sinasabing writer ako, pero ano bang tawag sa taong nagsusulat?

Anyways, di naman libro tong sinusulat ko, blog to, so bahala na ko sa kung anong nakalagay dito. Wala rin akong pakielam kung may grammatical errors kasi tang ina, blog to. Kung mag text nga ang karamihan ng kabataan ngayon ~..tla wla ng nttrng vwls eeh..~ minsan naman -..`"~gH@n2..,TpH0uZ,..Mheii..,QU0t3z,..Pfha!! H1h1!!~"'..- kaya wala kayong karapatang umangal sa blog na to, kayo na nga lang makikibasa, kayo pa galit, mga ulul. Isa pa, kung na o-offend ka sa mga nababasa mo kasi siguro every other sentence may mura at every paragraph may insulto eh bumalik ka nalang sa bahay bata ng nanay mo at magmukmok ka dun, kasi kung di mo matiis na makabasa ng mura at matamaan sa mga insultong di ko naman sayo pinapatama eh pakamatay ka nalang, masyado kang assuming.

Isipin mo minsan kung para san pa na nag aral ka at pumasok sa eskwelahan. Hindi ka isinalaksak ng mga magulang mo sa tapunan ng bobo at walang alam(technically, kaya ka nga nag aral eh, kasi wala kang alam) para lang umiyak ka at ma offend sa sinasabi ng ibang tao like "woah" pre tang ina di nga kita halos kilala sa real life eh tapos magmamaktol ka sakin na i-delete ko yung blog post ko kasi offended na offended ka sa mga pinag lalalagay ko. Well, masyado na kong nag a-assume ngayon kasi di pa nga ko sure kung may magbabasa man ng blog ko. Anyways, di ka pinag-aral ng mga magulang mo para maging balat sibuyas ka. Pakapalan lang ng mukha yan at patibayan ng loob. Oo, sabihin na nating iba iba tayo, pero di ka pwedeng habang buhay na ganyan na may nagmura lang "Ano ba naman, pwede namang hindi magmura diba?" ka kaagad. Di ka tatagal sa mundo ng ganun. Sooner or later mas magiging pala mura ka pa kesa dun sa mga minura mo, most likely kasi late bloomer ka at sa edad na bente anyos ka lang nagsimulang magmura ng pabalang.

Wala rin naman akong magagawa dun, malay ko ba kung lumaki ka sa pamilyang masikip pa ang butas ng pwet sa lalakeng ayaw ma rape sa preso. Yung tipong mautot ka lang sa hapunan di ka na pwedeng lumabas ng bahay nang tatlong linggo. Malay ko ba kung ikaw yung lumaki sa boring na pamilya na ang past time lang ay paglaro ng crossword sa dyaryo at pakikinig ng balita sa umaga. Medyo bias ako dun ha, baka isipin ng iba sinasabi ko na boring ang mahirap na pamilya, nako tang ina dyan kayo nagkakamali. Sa mga naranasan ko mas mahirap ka, mas masaya ka sa buhay. Seryoso ako dito. Pero sino ba naman ako at nasang posisyon ba ko para sabihin yun, diba? Di naman ako mahirap. Siguro lumaki ako sa lugar na pinapaligiran ako ng mga taong di masyadong pinagpala, pero kung ikukumpara ako sa kanila tang ina... tang ina lang.

Tatlo kaming magkakapatid, kuya ko, ate ko, tsaka ako. Di ko alam ano agwat ng edad ng kuya ko sakin, basta matanda na sya. Ate ko naman isang taon lang ang agwat sakin, so medyo close kami. Not to mention na nitong past few years medyo mas maging close kame due to family issues and dahil magkasama kami sa iisang kwarto so... Ang hirap ng may kagalit ka sa buhay, lalo na pag sa kapamilya. Nag away kame ng kuya ako, at dahil ako naman ay hindi bayolenteng tao(na nananakit sa pisikal na paraan), eh dinaan ko sya sa salita nun, at oo, medyo masakit ako magsalita(di pa ba obvious?) at ayun nag away kame. Di naman pwedeng habang buhay na may galit ako sa kuya ko, sus, mas masakit naman siguro yung ginawa ko sa kanya, so slowly ako na yung nagpapakita na di na ko galit sa kanya, pero mas okay na yung ganto, yung medyo may konting distansya. Minsan pag masyado kang mabait inaabuso ka eh.

Namimiss ko na yung tatay ko. Di ko alam yung totoong dahilan kung bat ba sila nag away ng mama ko, wala narin akong dahilan para i-share pa kung ano ba talagang nangyari(pero di ko rin masasabi, pagtagal makukwento ko rin yun). Basta lumipat kami sa bagong bahay, and ang main reason ng nanay ko is "maliit na yung dating bahay namin". Totoo naman, lima kaming magkakapamilya, and lumalaki kami, as in lumalaki kami, malaki ako pati kuya ko, and hindi na kami ma accommodate ng dati naming bahay. Masasabi ko rin na totoo naman, di na sya suitable for "comfort" living kaya okay lang din naman na lumipat kame. Wala rin ako sa posisyon umangal, anak lang ako at di rin naman ako ang magbabayad ng gastusin so ayun...

Kalahating taon na kong tumigil sa pag aaral. Dapat third year college na ko, pero kalagitnaan ng second year ko tumigil ako. ABMMA sa DLS-CSB yung course ko, and dahil una, tamad ako, ayun. Malayo ng konti yung school sa bahay, medyo 1 and a half to 2 hours na byahe lang naman papunta sa school at same time pauwi, so maximum of four hours ang byahe ko araw araw. Byahe palang yung. Kumbaga sa mga araw na isa lang ang subject ko at 1 and a half hour lang eh lugi pa ko sa byahe. At dahil nga tamad ako, di ko natiis yun. LRT pa sinasakyan ko, tang ina. Malabon to Taft araw araw, hassle. Siguro take into consideration narin natin na ayoko na talaga mag aral, habang tumatagal feeling ko pabobo lang ako ng pabobo eh. Kuntento na ko sa alam ko, masaya na kong nakakakain ako kahit isa-dalawang beses lang sa isang araw at napapasaya ko ang mga tao sa paligid ko. Masarap maging mayaman, pero natuto narin akong maging kuntento sa kung anong meron ako simula nung tumigil na kong mag aral. Tang ina, di na nga ko nag aaral, hihingi pa ko ng kung ano ano sa magulang ko? Kapal naman ng mukha ko nun. Mukha mang wala akong ginagawa, marami akong natututunan sa mga oras na to, habang nakatambay lang ako sa bahay at walang ginagawa. Sobrang dami kong natututunan, self discovery or whatever, basta. I'm seeing the world in a better perspective, at masaya ako dun.

Isang araw sobrang lungkot ko, October nun. Ala syete ng umaga, naka porma ako, papasok sa school, kaso bumaba ako sa may Malabon Citisquare ng walang dahilan. Sobrang lungkot ko. Ayoko na mag aral, matagal na. Tuwing pumapasok ako sa school nasasaktan ako for various reasons. Una, dahil ayoko na nga mag aral, masakit para sakin na mag-effort pumasok para gawin ang bagay na ayoko nang gawin. Pangalawa, di ko feel yung atmosphere. Siguro nga I have my own way of dealing with things pero not once na naging comfortable ako habang nasa school ako. Lagi kong iniisip na may naka tingin sakin, nasabihan pa kong paranoid ng isa kong tropa. Lumaki ako sa lugar na mostly may kaya(or mas mababa pa) ang estado ng buhay ng mga tao, di ko kayang tumagal sa institusyon na di ka pwedeng magsoot ng t-shirt na kupas at maglusong. Tang ina taga Malabon ako, malamang maglulusong ako. Pangatlo, basta, di ko ma explain. Depressed akong tao. Mukha lang akong masaya pero seriously, masyado akong maraming iniisip, pero dahil tamad ako, di ko mapunan ng aksyon yung mga bagay na pwede ko namang solusyonan. To make it simple, di hamak na tipikal na teenager lang ako sa panahon natin ngayon. Tamad na walang dereksyong gustong mapuntahan sa buhay. Puro saya lang ang gusto.

Pagkatapos ng araw na yun, di na ko pumasok. Sayang yung pinambayad kong tuition, di na pwedeng i-refund. Nagtapon ako ng 40k. And to think na sa ibang schools nagrarally yung mga estudyante dahil lang tumaas ng konti yung tuition nila, or worse, nagpapakamatay ang mga estudyante dahil di nila mabayaran ang tuition nila. Quality education nga naman. Sa sobrang taas ng quality kapalit buhay mo. Ayokong magtunog kupal dito pero tang ina niyo, yan ba ang gusto niyong ipakita sa mundo? Oo sige, dahil nga depressed ako(nung highschool nga pala pinainom ako ng gamot sa kadahilanang di ko alam, pero dahil umaangal yung nanay ko na mahal yung gamot, sabi ko sa kanya "edi wag na kayong bumili". Siguro nga dapat tinuloy ko lang yung pag inom nun, pero okay lang, buhay pa naman ako eh, di ko rin naman hinangad na mabuhay ng matagal) siguro dumating sa buhay ko na gusto ko nalang mamatay(which, technically, is araw araw), pero not to the point na nagpakamatay ako. Sige, galit ako sa mga nag su suicide, pero choice nila yun. Mas galit ako sa mga taong pwede namang gumawa ng paraan para matulungan sila, pero dahil mas matimbang ang pera sa bulsa kesa buhay nang isang pipitsugin na estudyanteng di man lang makapagbayad ng halagang pinang kakape lang ng iba satin dyan, eh ano pa bang dapat asahan natin, diba? Sadyang marahas ang buhay, buti nalang di na ko nag-aaral.

No comments:

Post a Comment